You can find alternative herbal medicines on this blog. Most of them can be found either on your kitchen or your neighbor's backyard. Happy living!

Home » Archives » September 2009

Diabetes

September 9, 2009

Ang mga taong may diabetes ay nagtataglay ng sobrang asukal sa dugo.

Mga Palatandaan ng Diabetes:
Laging nauuhaw
Madalas maihi
Di maipaliwanag na sanhi ng pagkapagod
Pangangati at matagal na impeksyon sa balat

At sa Malulubhang kaso:
Pagbaba ng timbang
Pamamanhid o pagkirot ng kamay at paa
Sugat sa paa na hindi gumagaling
Pagkawala ng malay

Pagsusuri:
Lahat ng mga palatandaang ito ay maari ring sanhi ng ibang sakit. Para masiguro kung may diabetes nga ang isang tao, suriin ang ihi para malaman kung matamis. Isang paraan ay ang tikman ito. Kung matamis ang lasa, patikman uli sa iba pang 2 tao. Pag ang lahat nang tumikim ay sumasang-ayon na matamis ang ihi, malamang siya ay may diabetes.

Isa pang paraan ng pagsusuri ay ang paggamit ng espesyal na papel (halimbawa Uristix). Pag binasa ng ihi at nag-iba ng kulay, tiyak may halong asukal ang matamis na ihi.

Kung ang tao ay nagkaroon ng diabetes paglagpas ng 40 taong gulang, kadalasang maaaring malunasan nang walang gamot sa pamamagitan ng wastong pagkain.  Ang pagkain ng isang taong may diabetes ay mahalagang-mahalaga at dapat sundin nang maingat habang buhay. Ang ilang mga may diabetes lalo na ang mga bata ay nangangailangan ng espesyal na gamot gaya ng insulin.

Mga Pagkain para sa mga may Diabetes:

Ang matatabang tao na may diabetes ay dapat magbawas ng timbang hanggang sa maging normal ang bigat.
Hindi dapat kumain ng pagkaing may asukal o matatamis.
Ang pagkain nila ay dapat sagana sa protina (itlog, isda, beans, berde at madahong gulay, nuts, karne, atbp.) at kakaunti ang starch.

Posted by herbalmedicines at 1:33 am | permalink | Comments Off

Talampunay (Datura Metel)

September 6, 2009

Sakit:
1. Hika (asthma)

Paraan:
1.Patuyuin ang dahon at bulaklak.
2. Ibalot sa rolling paper.
3. Hithitin na parang tabako.

*Babala: Iwasan mapasobra dahil nakakalason

Posted by herbalmedicines at 3:39 am | permalink | comments[1]

Ampalaya

Sakit na nagagamot:
1. Pampadagdag ng dugo
2. Diabetes
3. Hindi magka-anak
3. Sakit sa balat (skin disease)

Posted by herbalmedicines at 3:36 am | permalink | Comments Off

Oregano

September 5, 2009

Sakit:
1. Nasunog na balat (skin burn)
2. kagat ng alupihan (centipede bites)
3. Sakit ng ulo (headache)

Posted by herbalmedicines at 3:40 pm | permalink | Comments Off

Yerba Buena

Sakit:
1. Kagat ng insekto (insect bites)

Paraan:
1. Dikdikin ang mga dahon.
2. Itapal sa may kagat ng insekto.
——————————————————————————————————
Sakit:
1. Sakit sa tyan (stomach ache)

Paraan:
1. Patuyuin ang halaman.
2. Ilaga ang mga dahon.
3. Inumin habang mainit-init pa.
——————————————————————————————————
Iba pang gamit:
1. Mainam pampalasa sa pagkain ang mga dahon.

Posted by herbalmedicines at 3:35 pm | permalink | Comments Off

Luyang Dilaw (Ginger)

Sakit:
1. Pasa
2. Rayuma (arthritis)

Paraan:
1. Dikdik ang ugat.
2. Habang may katas ay ipahid sa pasa o rayuma.
3. Balutin ng gasa (gauze) at bandage.
4. Alisin pagkaraan ng 6 na oras.
5. Ulitin hanggang sa gumaling.

 

Posted by herbalmedicines at 3:28 pm | permalink | Comments Off

Kalachuchi (Frangipani)

September 4, 2009

Sakit:
1. Hika

Paraan:
1. Ilaga ang dahon.
2. Inumin ang pinaglagaan.
———————————————————————————————————-
Sakit:
1. Namamagang bahagi ng katawan.

Paraan:
1. Pitpitin ang dahon.
2. Itapal sa namamagang bahagi ng katawan.
———————————————————————————————————–
Sakit:
1. Sakit ng ngipin
2. Singaw

Paraan:
1. Ilaga ang dahon.
2. Ipangmumog ang pinagkuluan.

 

Posted by herbalmedicines at 3:54 pm | permalink | Comments Off

Kasoy (Cashew)

Sakit:
1. Diabetes
2. Nag-iiti (dysentery)
3. sakit ng ipin ( toothache)

Paraan:
1. Ilaga sa tubig ang dahon.
2. Inumin ang pinagpakuluan na parang tsaa 3 beses maghapon.

Posted by herbalmedicines at 3:50 pm | permalink | Comments Off

Tuba (Croton Oil Plant)

Sakit:
1. Namamagang bahagi ng katawan gaya ng daliri,paa, kamay dahil sa pagkapilay.

Paraan:
1. Hugasan ang dahon.
2. Basain ng malinis na langis. Pinakamainam ang langis ng niyog.
3. Painitan sa apoy pero ingatang wag masunog.
4. Kapag medyo lanta na itapal sa namamagang bahagi ng katawan.

Posted by herbalmedicines at 3:44 pm | permalink | Comments Off

Damong Maria (Mugwort)

Sakit:
1. Sakit ng tyan.

Paraan:
1. Hugasan ang dahon.
2. Pakuluan sa tubig.
3. Inumin ang pinagkuluan
—————————————————————————-
Sakit:
1. Bagong panganak

Paraan:
1. Magpakulo nang isang timbang tubig na may dahon.
2. Palamigin nang kaunti.
3. Ipampaligo sa bagong panganak.
Mainam na pampainit ng katawan sa bagong panganak
—————————————————————————-
Sakit:
1. Mataas ang dugo (high blood)
2. Diabetes
3. sikmura
4. Peptic ulcer
5. Sugat sa bituka

Paraan:
1. Pakuluan ang dahon sa tubig.
2. Inumin na parang tsaa

 

 

 

Posted by herbalmedicines at 3:22 pm | permalink | Comments Off

Kataka-taka (Stonecrop)

September 3, 2009

Sakit:
1. Pamamaga ng pisngi dahil sa masakit na ipin.

Paraan:
1. Magdikdik ng dahon
2. Habang kumakatas balutin sa malinis na tela.
3. Ihilot sa namamagang pisngi habang kinakatas ang tela.

 

Posted by herbalmedicines at 12:25 pm | permalink | Comments Off